^

Police Metro

Aplikante sa pagka-pulis nasagasaan, tinakasan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang lalaki na nag-aaplay para maging pulis matapos na masalpok habang nagmomotorsiklo ng isang jeep na may kargang gulay kahapon ng madaling-araw sa kanto ng Remedios at San Marcelino Sts. sa Paco, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Dave Robert Ilopitan, na nadatnan ng mga otoridad na nakasubsob at duguan sa gitna ng kalye.

Sa nakuhang impormasyon, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang masalpok ang biktima habang nagmomotor ng hindi naplakahang dyip at sumadsad ito sa bangketa sa nasabing kalye.

Nabatid na galing umano sa isang padasal sa Poong Nazareno sa J. Bocobo St. ang biktima at ilang  kaibigan  at habang papauwi nang maganap ang  aksidente.

Ayon sa kuwento ng ilang kaibigan na nagbibiro  at masaya pa si Ilopitan habang sila ay  magkakasama at matapos umanong mag-rosaryo ay nagpaalam nang uuwi kaya’t nagulat na lamang sila nang mabalitaan ang pagkamatay nito.

vuukle comment

AYON

BOCOBO ST.

DAVE ROBERT ILOPITAN

ILOPITAN

MAYNILA

NABATID

NAMATAY

POONG NAZARENO

SAN MARCELINO STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with