^

Police Metro

Killer ng Zambo Mayor, malapit ng madakip

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Malapit na umanong madakip ng pulisya ng pangu­nahing suspek sa pamamaril sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na ikinamatay ni Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ocol Talumpa at tatlong iba pa noong Disyembre 20.

 Sinabi ni Task Force Talumpa head Senior Superin­tendent Billy Beltran, natunton na nila kung saang probinsya sa Mindanao nagtatago ang itinuturong suspek na si Marux Amblong, ang nakitang gunman sa krimen.

 Hindi na idinetalye pa ni Beltran ang eksaktong lokasyon ng suspek ngunit tiniyak na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon sa pagkalap ng impormasyon. 

Si Amblong at dalawang iba pa ay kinasuhan ng multiple murder at multiple frustrated murder higit isang linggo matapos ang pamamaril.

Bagamat dating tauhan at malapit kay dating Labangan Mayor Wilson “Kity” Nandang, naghahanap pa ang pulisya ng matibay na ebidensyang mag-uugnay sa dating alkalde bilang utak sa pagpatay kay Talumpa.

 

 

vuukle comment

BAGAMAT

BILLY BELTRAN

LABANGAN MAYOR WILSON

MARUX AMBLONG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SENIOR SUPERIN

SI AMBLONG

SUR MAYOR OCOL TALUMPA

TASK FORCE TALUMPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with