^

Police Metro

2 totoy na namamasko inuntog ang ulo sa gate

Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sinampahan ng  kasong child abuse ang isang lalaki matapos na ireklamo ng dalawang batang lalaki na inuntog nito ang ulo sa gate ng bakal habang namamasko kamakalawa sa Brgy. Buting, Pasig City.

Ang suspek ay kinilalang si Gilbert Miguel Cayton, alyas “Bembo”, 52-anyos, isang aircraft painter, ng no. 144 E. Mendoza St., Purok Ilaya, Brgy. Buting, ng lungsod.

Sa salaysay ng dala­wang bata na kapwa 11-anyos na namamasko sila sa gate ng compound ng kanilang ninang nang may sumigaw ng “patawad”. 

Hindi pa rin umano umalis ang dalawang bata hanggang sa lumabas ang umano’y galit na galit na si Cayton  kung kaya’t hinabol nito ang dalawang bata at nang maabutan ay sininghalan ito bago sinakal ang mga leeg at inuntog ang ulo sa gate na bakal dahilan para magkasugat at bukol ang mga ito.

vuukle comment

BEMBO

BRGY

BUTING

CAYTON

GILBERT MIGUEL CAYTON

MENDOZA ST.

PASIG CITY

PUROK ILAYA

SINAMPAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with