^

Police Metro

22-anyos tinuruan ang 7-anyos na mag-shabu inaresto

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 22-anyos na binata ang inaresto ma­tapos turuan nitong su­minghot ng shabu ang isang 7-anyos na batang lalaki na kapitbahay nito kamakalawa sa Caloocan City.

Ang suspek na naka­kulong sa Caloocan City Police detention cell na nahaharap sa kasong child abuse ay nakilalang si Alvin Bejerano, 22, na­katira sa Salmon St., ng lungsod.

Batay sa salaysay ng biktima sa mga kagawad ng Caloocan City Police naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon habang siya ay magtatapon ng patay na daga ay tinawag siya ng suspek.

Niyaya ang biktima na suminghot ng shabu, subalit tumanggi ang bata at tumakbo ito papalayo.

Ngunit, hinabol pa rin ng suspek ang bata at hinila sa may sulok at tinuruan at pinasinghot ng shabu.

Kinagabihan ay hindi makakain at makatulog ang biktima at nang usi­sain ng mga magulang ay sinabi ang ginawa nila ng suspek kaya’t pinaaresto nila ito sa mga otoridad.

Nabatid pa na ikatlong beses nang pinag-shabu ng suspek ang biktima.

 

vuukle comment

ALVIN BEJERANO

BATAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

ISANG

KINAGABIHAN

NABATID

NGUNIT

SALMON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with