^

Police Metro

Sinalpok ng dump truck… gasolinahan nasunog: 2 natusta

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Natusta sa loob ng mi­namanehong dump truck ang driver at nadamay sa pagkasunog ang isang gasoline boy habang nasugatan ang tatlong iba pa matapos na masunog ang isang gasolinahan nang salpukin ng nasabing truck kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Hindi na nakalabas ng buhay sa minamanehong dump truck (UMB-943) ang driver na si Ramon Gabayan, 52, ng Plaridel, Bulacan habang hindi na umabot ng buhay sa Valen­zuela General Hospital sanhi ng 3rd degree burn ang gasoline boy na si Jonathan Miguel, 21, ng Bagbaguin, Valenzuela City.

Ginagamot naman ang tatlong nasugatan sanhi ng 1st degree burn ang truck helper na si Ramon Pulay, 26, Thomas Martin, 52, checker, kapwa ng Lingahan ng naturang lungsod at ang kahera na naipit.

Batay sa ulat, bago na­ganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng MacArthur Highway, Barangay Karuhatan ay minamaneho ni Gabayan ang kanyang dump truck na may kargang mga panambak nang mawalan ito ng preno.

Ilang sasakyan na ang nabangga ay hindi pa rin ito humihinto hanggang sa lumabas ang isa pang truck na may mga kargang flywood sa Shell Gasoline Station na naiwasan ni Gabayan, su­balit tuluy-tuloy na sinalpok nito ang gasolinahan at sumabog at nasunog.

Dito ay nasunog si Mi­guel habang hindi nakalabas si Gabayan sa loob ng nagliliyab niyang truck dahil sa pagkakaipit habang bahagyang nasunog sina Pulay at Martin.

vuukle comment

BARANGAY KARUHATAN

GABAYAN

GENERAL HOSPITAL

JONATHAN MIGUEL

RAMON GABAYAN

RAMON PULAY

SHELL GASOLINE STATION

THOMAS MARTIN

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with