^

Police Metro

Mag-asawa dedo sa salpok ng kotse

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang mag-asawa matapos ang sinasakyan nilang motorsiklo ay  sumalpok sa isang kotse kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Angelito, 35, at Crystal Ofiana, 35; kapwa residente ng 24-F Road 7, First West, Crame San Juan City.

Nasa kustodya naman ng pulisya ang  driver ng kotse na nakilalang si Sidney Ang, 35, residente sa no. 14-A, La Isla Condo Pasig City.

Sa ulat, ganap na ala-1:30 ng madaling-araw ay minamaneho ni Angelito ang kanyang scooter angkas ang misis na si Crystal para ihatid sa pinapasukan nitong call center sa may Gil­more, Aurora at pagsapit sa Granada St., Brgy. Valencia ay biglang nasalpok ito ng Honda City (XLV-136) na minamaneho ni Ong.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nahiwalay ang manibela ng motorsiklo ng mga biktima, sanhi para matinding mapinsala ang kanilang mga katawan.

Sa pahayag naman ni Ong, habang nagmamaneho ay nasilaw  umano siya sa sinag ng ilaw na tumatama sa harapan ng kanyang kotse hanggang sa maramdaman na lang niya ang isang malakas na kalabog mula sa harapan nito.

Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide si  Ong.

vuukle comment

CRAME SAN JUAN CITY

CRYSTAL OFIANA

F ROAD

FIRST WEST

GRANADA ST.

HONDA CITY

LA ISLA CONDO PASIG CITY

ONG

QUEZON CITY

SIDNEY ANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with