^

Police Metro

10-anyos utas sa ligaw na bala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Utas ang isang 10-taong gulang na batang lalaki matapos na aksidenteng tamaan ng ligaw na bala sa leeg sa Brgy. Elian, Datu Saudi Ampatuan, Maguin­danao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Moladin Kamid, Grade V pupil at residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Col. Dickson Hermoso, Spokesman ng Army’s 6th Infanty Division (ID) bandang alas-5:00 ng hapon ng magsa­gawa ng pangha-harass ang mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) rogue elements sa detachment ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ng Phil. Army.

Sinabi ni Hermoso na nagpaputok ng Rocket Propelled Grenade (RPG) at 40 MM grenade launcher ang BIFF kung saan mabilis na nagdepensa ang mga sundalo.

Matapos ang palitan ng putukan ang magkabilang panig ay ang walang kina­laman na bata ang tinamaan ng ligaw na bala na kanyang agarang ikinamatay.

vuukle comment

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTER

DATU SAUDI AMPATUAN

DICKSON HERMOSO

GRADE V

INFANTY DIVISION

MECHANIZED INFANTRY BATTALION

MOLADIN KAMID

ROCKET PROPELLED GRENADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with