^

Police Metro

Truck ng softdrinks niratrat: 2 todas, 1 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay ang dalawang katao habang isa ang grabeng nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek ang isang truck ng softdrinks kamakalawa ng hapon sa bayan ng Sirawai, Zamboanga del Norte.

Namatay noon din sina Conrado Ricohermoso, ng Siocon, Zamboanga del Norte at ang salesman na si Joy Estrada. Habang nasugatan at kritikal sa Siocon Medical Hospital si Alvin Lumonah, pahinante ng trak.

Batay sa ulat, bandang alas-3:14 ng hapon ay bu­mabagtas sa highway ng nasabing lugar ang delivery truck (JBP 444) na puno ng kargang produkto ng Coca-Cola na pag-aari ni Constantino Soriano galing Sirawai at patungong Siocon nang paulanan ng bala ng mga armadong suspek.

Mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon matapos ang  pamamaril sa delivery truck.

Pinaniniwalaan namang extortion ang motibo ng karahasan habang patuloy ang imbestigasyon sa ka­song ito.

 

vuukle comment

ALVIN LUMONAH

CONRADO RICOHERMOSO

CONSTANTINO SORIANO

JOY ESTRADA

NAMATAY

NORTE

SIOCON

SIOCON MEDICAL HOSPITAL

SIRAWAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with