^

Police Metro

Isa pang anak kritikal… ina, 5-anyos at sanggol na anak pisak sa pader

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang ina at dalawa nitong anak na ang edad ay 5-taong gulang at 9-buwan gulang habang ang isa pang anak na 7-taong gulang ang nasa kritikal na kondisyon matapos na mabagsakan ng gumuhong pader kahapon ng umaga sa Brgy. Sabatan, Orion, Bataan.

Ang mga nasawing mag-iina ay kinilalang sina Maribel Carpio, 27; mga anak nitong sina Noah Carpio, 5; at Sheena Carpio, 9 buwang gulang.

Inoobserbahan naman sa pagamutan ang isa pang anak na isang 7-taong gulang sanhi ng pagdurugo sa loob ng katawan nito.

Sa ulat ni Chief Ins­pector Elmer Santiago, hepe ng Orion Police, pasado alas-6:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar habang nasa panaderya ang mister ng ginang at bumibili ng pandesal para almusalin ng kaniyang pamilya.

Nang bigla na lamang umanong bumigay ang tinatayang nasa sampung talampakang taas na pa­der na may sampu ring metrong lapad na itinatayong bakod sa lugar na dumagan sa maliit na kubo ng mga biktima.

Sa pagsisiyasat ay lumilitaw na substandard o mahinang uri ng materyales ang ginamit sa itinatayong bakod dahilan sa manipis ang bakal nito na nagbunsod sa trahedya.

Posibleng  makasuhan ng multiple homicide  at serious physical injuries  ang may-ari ng ipinatatayong bakod na si Engineer  Nelson Santos dahil sa kapabayaan.

Pinaniniwalaan namang ang pag-ulan sa lugar kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw kaya dumausdos hanggang sa tuluyang bumigay ang naturang pader na kumitil sa buhay ng mag-iina.

vuukle comment

BRGY

CHIEF INS

ELMER SANTIAGO

INOOBSERBAHAN

MARIBEL CARPIO

NELSON SANTOS

NOAH CARPIO

ORION POLICE

SHEENA CARPIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with