^

Police Metro

Ina narinig pa ang iyak ng anak… Sanggol inilibing nang buhay ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na buhay pa ang bagong silang na sanggol na lalaki nang ito ay ili­bing ng kanyang ama na takot sa responsibilidad matapos na mabuntis ang nobya nito na naganap sa Brgy. Manicahan, Zamboanga City.

Ang suspek na dinakip ng pulisya ay kinilalang si Justin Jake Tugunon, nobyo ng ina ng sanggol na si Ronalyn Bernardo.

Sa ulat, ipinanganak ni Bernardo ang kanyang sanggol sa pagitan ng alas-4:00 at alas-5:00 ng hapon noong Sabado at tanging si Tugunon lamang ang kasama nito.

Nang magresponde ang mga operatiba ng pulis­ya, bandang alas-8:50 ng umaga kinabukasan ay nahukay at nalinisan na ng mga opisyal ng ba­rangay sa pangunguna ni Brgy. Chairman Errolyn Natividad at kapitbahay ni Bernardo ang sanggol na ipinanganak nito.

Ang sanggol ay ibina­lot pa sa kulay itim na sako at inilibing sa likuran ng taha­nan ng pamilya Bernardo.

Nagdududa ang ina at pamilya ng sanggol na patay na ito nang lumabas sa kayang sinapupunan dahil sa narinig pa umano ng ina ang iyak ng kaniyang anak bago ito inili­bing ng nobyo na sinasabing takot sa responsibilidad.

Sa pahayag naman ng suspek sa himpilan ng pu­lisya, sinabi nito na patay na umano ang sanggol kaya’t kanyang inilibing.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso at isasailalim sa otopsiya ang bangkay ng sanggol para madetermina kung buhay pa ito o patay na ng ilibing ng kaniyang ama.

vuukle comment

BERNARDO

BRGY

CHAIRMAN ERROLYN NATIVIDAD

JUSTIN JAKE TUGUNON

MALAKI

RONALYN BERNARDO

SANGGOL

SHY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with