^

Police Metro

Pebrero 16 idineklarang special non-working holiday sa Caloocan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklara ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang Pebrero 16 na special non-working holiday sa buong siyudad para sa selebrasyon ng ika-51 taon ng pagkakatatag ng lungsod.

Ang pagdedeklara ng na special non-working holiday ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makisali sa mga aktibidades ng lungsod sa paggunita sa pagkakatag ng Caloocan bilang isang siyudad sa Metro Manila.

Kaya naman ay iniimbitahan ni Echiverri ang lahat ng residente, city officials, employees at iba’t ibang sektor na nakabase sa lungsod na makisali sa mga gaganaping aktibidad upang muling sariwain ang pagkakatatag ng Caloocan City.

Kabilang sa mga nakalinyang aktibidad ng lungsod sa paggunita sa founding anniversary ay ang thanksgiving mass, motorcade, concert, Bb. Caloocan, Kasalang Bayan at iba pa na labis na kinasasabikan ng mga residente.

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

IDINEKLARA

KABILANG

KASALANG BAYAN

KAYA

METRO MANILA

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with