^

Police Metro

Trike driver todas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang tricycle driver nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na kung saan ay nasugatan ang isang tindero nang tamaan ng ligaw na bala naganap kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Luisito Capili, 41, may-asawa ng Pakamara St., Don Fabian, Brgy. Commonwealth ng lungsod.

Habang ang nasu­gatan at ginagamot sa East Ave­nue Medical Center ang biktimang  si Sonny Trono, 30, binata ng Dakila St., Batasan Hills sa lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga ay naghihintay ng pasahero si Capili sa harap ng isang tindahan sa 249 Pakamara St., kanto ng Don Fabian nang duma­ting ang isang motorsiklo sakay ang mga salarin.

Isa sa mga suspek ang bumaba at nilapitan ang biktima at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng ka­tawan at tinamaan ng ligaw na bala si Trono.

Mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek.

Iniimbestigahan ng pulisya ang anggulo na may nagaganap na away sa mga miyembro ng asosasyon ng mga tricycle drivers at kasapi dito ang biktima.

vuukle comment

BATASAN HILLS

DAKILA ST.

DON FABIAN

EAST AVE

LUISITO CAPILI

MEDICAL CENTER

PAKAMARA ST.

QUEZON CITY

SONNY TRONO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with