^

Police Metro

Kelot pisak sa bloke ng yelo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pisak ang ulo ng isang delivery boy at agad na nasawi matapos madaganan ng isang bloke ng yelo habang ginagampanan ang kanyang trabaho sa isang palengke sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulis­ya ang biktima na si Eldingfonso Gaduena, 46, residente ng Bulacan at trabahador ng Zeny Ice delivery.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-10:20 ng gabi sa Susano Market na makikita sa Ramirez St., Barangay Novalichez proper sa lungsod.

Nabatid na nagdidiskarga ng bloke ng yelo ang biktima kasama ang isang Jeston Abe sa kanilang truck para ideliver sa kanilang mga kostumer sa palengke nang madaganan ang biktima.

Sinabi ni Abe, habang nagbaba  sila ng yelo nang biglang dumausdos ang isang bloke at tinangka umanong pigilan ng biktima hanggang madaganan ito at mapisak ang kanyang ulo.

Tinangka pang i-revive ni Abe ang biktima pero nabigo ito kung kaya nagpasya na lamang siyang tumawag ng saklolo sa ibang tao sa palengke at mga awtoridad.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Quezon City Scene of the Crime Operations (SOCO) ay kanilang nakita ang ma­tinding pinsala sa ulo ng biktima na siyang dahilan ng agarang kamatayan.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung sinadya o sadyang aksidente lamang ang nangyari sa biktima.

 

vuukle comment

BARANGAY NOVALICHEZ

BIKTIMA

ELDINGFONSO GADUENA

ERIC LAZO

JESTON ABE

QUEZON CITY

QUEZON CITY SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

RAMIREZ ST.

SUSANO MARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with