Mister tinadtad ng saksak, dedo

MANILA, Philippines - Dedo ang isang mister makaraang tadtarin ng saksak ng isang hindi pa nakikilalang suspek na kanyang nakasalubong habang ang biktima ay naglalakad pauwi sa kanilang tahanan sa Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Greme­nio Eleuterio Salazar Jr, 51-anyos nakatira sa Blk. 14, Lot 5, Phase 1 Abot Kamay, Barangay Langkaan 1 sa lungsod.

Batay sa imbestigayon ni PO3 Aron Abe­sa­mis may hawak ng kaso, ganap na ala-1:30 ng madaling-araw ng matagpuan ang duguang katawan ng biktima na tadtad ng saksak at naka­handusay sa nasabing lugar.

Ayon sa report, nagla­lakad ang biktima na pauwi sa kanilang taha­nan nang makasalubong ang isang lalaki at walang sabi-sabing pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Matapos ang insiden­te ay mabilis na tumakas ang salarin dala ang patalim na ginamit sa krimen.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng ginawang pagpatay sa biktima at upang madakip ang salarin.

Show comments