^

Police Metro

P-Noy: Pinas hindi kaya ang China!

Rudy Andal, Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi kayang sumabak ng Pilipinas laban sa China dahil sa kawalan ng mo­der­nong kagamitan bukod sa hindi giyera ang solusyon upang ipag­tang­gol ang teri­toryo na inaangkin ng China.

Ito ang pag-amin ni Pa­ngulong Benigno Aquino III na ipinaliwanag sa mga estudyante ng Learning Tree Child Growth Center sa Quezon City kaugnay sa tanong ng isang grade 5 pupil kung may sapat bang modern equipment ang Philippine Navy para ipagtanggol ang Panatag Shoal sa China na nais sumakop dito.

Idinagdag pa ni P-Noy, mayroon lamang 132 ships ang Navy upang bantayan ang 36,000 kilometer na coastline ng Pilipinas.

Aniya, hindi naman gi­yera ang solusyon upang ipagtanggol ang Panatag Shoal dahil puwede na­man itong ipaglaban sa United Nations dahil naka­paloob naman sa 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas ang Panatag Shoal.

Ipinaliwanag pa ng Pa­ngulo, ang Panatag Shoal ay 120 miles mula sa Masinloc, Zambales kaya pasok na pasok ito sa exclusive 200-mile economic zone ng Pi­lipinas.

Samantala, sumunod na ang Pilipinas sa mga bansang Vietnam at Taiwan na kumokontra sa bagong e-passport ng China kung saan naka-imprenta ang mapa ng South China Sea na nasasaklaw nito ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, isang hiwalay na visa application ang iisyu sa mga bibisita o papasok na Chinese travelers sa bansa imbes na ang e-passport holder ang kikilalanin.

vuukle comment

BENIGNO AQUINO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

LEARNING TREE CHILD GROWTH CENTER

PANATAG SHOAL

PHILIPPINE NAVY

PILIPINAS

QUEZON CITY

SHY

SOUTH CHINA SEA

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with