Meralco, magtataas ng singil sa kuryente ngayong Oktubre

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Meralco ng dagdag-singil na P0.3191 kada kilowatt-hour (kWh) ngayong October billing period dahil sa pagtaas ng generation charge.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Joe Zaldarriaga, Vice President at Head ng Corporate Communications ng Meralco, na ang dagdag sa singil ng Meralco ay bunsod na rin ng mas mataas na generation charges.
Bunsod nito, ang overall rate ng kuryente para sa isang typical household ay papalo na sa P15.0615/kWh mula sa P14.7424/kWh lamang noong Setyembre.
Nangangahulugan rin ito ng halos P64 na dagdag sa total electricity bill ng mga kostumer na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Magugunita na una nang inianunsiyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) na inatasan nila ang Meralco na mag-refund ng P2.64-bilyon sa mga kostumer sa loob ng anim na buwan.
Gayunman, sinabi ng Meralco na hindi pa nila natatanggap ang naturang kautusan ng ERC.
- Latest



















