VP Sara, itinanggi ang mga ari-ariang iniuugnay ng NBI

MANILA, Philippines — Itinanggi kahapon ni Vice President Sara Duterte na pag-aari niya ang loteng nasa isang larawan na umano’y iniuugnay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at inakusahan ang National Bureau of Investigation (NBI) ng panlilinlang sa publiko sa pamamagitan ng mga operasyon nito.
“Nakakabahala na ang National Bureau of Investigation (NBI), na pinopondohan ng taumbayan ay ginagamit ang kanilang mga operasyon para sa mga gawaing walang malinaw na pakinabang sa publiko,” ayon kay Duterte.
Anya, ang ganitong panlilinlang sa publiko ay ang dahilan kung bakit inalis ang NBI sa listahan ng mga testigong ihaharap ng prosekusyon sa impeachment proceedings—dahil sa mga alegasyon na muli na naman silang naglahad ng mga ebidensiyang kuwestiyonable tulad ng Gracioso affidavit.
Sinabi pa ni VP Sara na kung pera ng taumbayan ang ginagamit sa pagpapatakbo ng isang ahensiya, nararapat lamang aniya na tiyakin na ang bawat hakbang nito ay naaayon sa batas, nakabatay sa katotohanan, at nagsisilbi sa interes ng sambayanan.
- Latest




















