^

PM Sports

CSB, Perpetual kampeon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Rumatrat sa opensa si Gayle Pascual upang akbayan ang College of Saint Benilde Lady Bla­zers sa 25-18, 25-17, 25-18 panalo kontra Letran Lady Knights sa Game 2 ng best-of-three finals ng National Collegiate Athle­tics Association (NCAA) Season 99 volleyball na nilaro sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City kahapon.

Kumana si Pascual ng 15 points mula sa 14 kills at isang block kasama ang seven excellent digs upang tulungan ang Lady Blazers na masikwat ang three-peat at manatili ang korona sa kanilang bakuran.

Nahirang si Pascual bilang Reliable Player of the Game habang si Cloanne Mondenedo ang tinanghal na Best Player of the Game sa nirehistrong apat na puntos at 16 excellent sets para sa CSB.

Nasilayan ng mga volleyball fans ang tikas ng Lady Knights sa unang set matapos makalamang sa second technical timeout, 16-15, pero pumalo ang Lady Blazers ng 4-1 run upang maagaw ang bentahe, 17-19.

Dito bumigay ang depensa at opensa ng Intramuros-based squad kaya nakuha ng CSB ang unang set win.

Ipinakita ng mga taga Taft ang kanilang determi­nasyon nang tambakan nila ang Letran sa second set kaya naman sa third frame ay hindi na pinaporma ng CSB ang katunggali.

Samantala, nasungkit ng University of Perpetual Help System DALTA ang pangarap na four-peat matapos paluhurin ang Emilio Aguinaldo College, 25-14, 25-22, 29-27, sa Game 2 ng kanilang men’s finals showdown.

Ang nasabingpanalo ay ang pangalawang four-peat ng Perpetual Help sa loob ng 14 years, una ay noong Season 86 hanggang Season 89.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with