^

PM Sports

Gin Kings, Bolts unahan sa 3-2 lead

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gin Kings, Bolts unahan sa 3-2 lead
LA Tenorio.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Kakalas sa isa’t isa ang Barangay Ginebra at Meralco para maagaw ang bentahe at mamuro sa finals sa krusyal na Game 5 ng kanilang 2024 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinal series ngayon sa Mall of Asia Arena.

Lalarga ang bakbakan sa alas-6:15 ng gabi para sa lone game ng Asia’s first pro league matapos na unang umabante ang San Miguel Beer sa finals sa ilalim ng parehong best-of-seven format.

Nasikwat ng Beermen ang unang tiket sa finals matapos ang pambihirang 107-100 comeback win mula sa 19-point deficit kontra sa Rain or Shine upang makumpleto ang 4-0 series sweep.

Ngayon, tatangkain ng Gin Kings at Bolts na makalapit ng isang hakbang mula sa pagtakda ng higanteng sagupaan sa Beermen.

Tabla sa 2-2 kartada ang dalawang koponan nang tambakan ng Ginebra ang Meralco sa Game 4, 90-71.

Subalit para kay Gin Kings coach Tim Cone, naitabla pa lang nila ang serye matapos ang dalawang sunod na kabiguan at hindi na importante kung ilan ang naging lamang nila papasok sa mas krusyal na Game 5.

“These things, winning by a big margin, is all just ‘pogi points’ in a series. You don’t win extra games for it. If you win by 30, you get one win. If you win by one point, you still only get one win,” ani Cone.

Upang makaulit, tatrangko sa Ginebra ang beteranong kapitan na si LA Tenorio na sinikwat ang Best Player of the Game honor sa Game 4 matapos kumamada ng 7 points, 4 rebounds at 6 assists sa pagbabalik niya bilang starting point guard.

Aalalay kay Tenorio sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Christian Standhardinger, Stanley Pringle at Maverick Ahan­misi kontra kina Chris Newsome, Chris Banchero, Allein Maliksi, Cliff Hodge at Raymond Almazan ng mga bataan ni coach Luigi Trillo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with