^

PM Sports

Retamar papalo para sa Cignal HD

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Desidido ang Cignal HD Spikers na madugtu­ngan ang dominasyon matapos palakasin ang lineup para sa mga susunod na torneo.

Hinugot ng HD Spi­kers si UAAP Best Setter awardee Joshua Retamar upang lalong maging mabagsik ang kanilang koponan.

Pumirma ng kontrata si Retamar matapos ang collegiate career nito kung saan tatlong kampeo­nato ang naibigay nito para sa National University Bulldogs sa UAAP.

“Cignal ang pinili ko ka­si feeling ko dito ako mag-grow sa next stage ng volleyball career ko,” ani Retamar na two-time UAAP Finals MVP.

Sa kanyang unang taon sa UAAP ay agad itong nagpasiklab nang manduhan ang Bulldogs sa kampeonato noong Season 81 kasama si season MVP Bryan Bagunas.

Nakumpleto naman ng Bulldogs ang 16-0 sweep sa Season 85 para masiguro ang kanilang ikalawang korona.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with