^

PM Sports

Kai ayaw paawat sa training

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang ensayo ni Kai Sotto kahit tapos na ang season ng Japan B.League kung saan naglaro ito para sa Yokohama B-Corsairs.

Tapos na ang kontrata ni Sotto sa Yokohama.

Pero wala sa isip ni Sotto ang huminto dahil nasa pukpukang ensayo pa rin ito para masigurong nasa kundisyon pa rin ito sa offseason.

Sumasalang si Sotto sa magagaan na workout sa Fit Twenty One gym sa Las Piñas City upang ma­ging abala pa rin ito habang nasa Pilipinas ito.

Tinututukan ng kampo ni Sotto ang pagpapa­lakas sa kanyang katawan upang makasabay ito sa malala­king sentro sa pakay nitong makapaglaro sa NBA.

Ilan sa mga suhestiyon ng mga eksperto ang pagpapalaki sa katawan ni Sotto upang maging dominante ito sa shaded area gaya ng ibang players na may parehong posisyon.

Napaulat na sasalang si Sotto sa NBA mini camps sa mga susunod na linggo.

Kaya’t magandang pagkakataon ito para maihanda ang kanyang pa­ngangatawan bago sumabak sa mini camps.

Naniniwala si Gilas head coach Tim Cone na malaki ang potensiyal ni Sotto para maging malakas na puwersa sa Asya.

Sa katunayan, nagpasiklab ito sa dalawang laro ng Gilas sa first window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers noong Pebrero.

Nagtala si Sotto ng averages na 15.5 points at 14 rebounds sa panalo ng Gilas Pilipinas sa Hong Kong at Chinese-Taipei.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with