^

PM Sports

Otom bumanat ng gold sa World Series

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muing nagpasiklab si Paris Paralympics-bound swimmer Angel Mae Otom nang umani ito ng gintong medalya sa pretihiyosong 2024 Citi Para Swimming World Series na ginanap sa Singapore.

Naibulsa ng three-time Asean Para Games champion na si Otom ang gintong medalya matapos pagreynahan ang women’s 50-meter backstroke Class S1-S5 event.

Nagtala ang Pinay tan­ker ng 44.72 segundo sapat para makuha ang unang puwesto.

Tinalo ni Otom sina Naori Yui ng Japan na nagsumite ng 55.60 segundo para magkasya sa pilak at Pin Xiu Yip ng Malaysia na naglista ng isang minuto at 4.89 segundo para sa tanso.

Pumang-apat si Brenda Larry na naorasan ng isang minuto at 6.64 segundo.

Maliban sa ginto, humirit din si Otom ng pilak sa women’s 50m butterfly S1-S5 kung saan nakakuha ito ng 46.39 segundo.

Nakuha ni An Nishida ng Japan ang ginto sa natu­rang event tangan ang bilis na 37.37 segundo.

Pasok na si Otom sa 2024 Paralympic Games na idaraos sa Paris, France ilang linggo matapos ang regular na 2024 Summer Paris Olympics.

Ang torneo ay bahagi ng paghanda ni Otom para sa Paris Paralympics.

Makakasama ni Otom sa Paris Paralympics si Asean Para Games multi-gold medalist Ernie Gawilan.

vuukle comment

PARALYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with