^

PM Sports

Dongallo isinalba ang Lady Warriors

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinalsuhan ng University of the East ang six-game losing streak matapos silang akbayan ni Casiey Dongallo sa 26-24, 23-25, 25-18, 25-20 panalo kontra Adamson University sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Umusok ang opensa ni Dongallo nang ilista ang 28 points mula sa 25 attacks, dalawang blocks at isang service ace upang ilista ang 2-6 karta para sa Lady Warriors na gumanda ng bahagya ang karta.

Hawak ang 2-6 card, nakisiksik ang UE sa fifth place kasama ang Ateneo at biniktimang Adamson University.

Napalaban ng husto ang Recto-based squad, sa unang dalawang sets, pahirapan nilang nilista ang 26-24 panalo at saka natisod sa sumunod na laban, 23-25 ayon sa pagkakasunod.

Pero determinado ang Lady Warriors na masikwat ang panalo kaya naman ibinuhos ang buong lakas sa dalawang natitirang frames para tapusin ang laro.

Ito rin ang unang pa­nalo ng Lady Warriors sa Lady Falcons sa halos limang taon, huli, noong April 13, 2019 ng Season 81, 25-14, 25-19, 25-22.

Nag-ambag si Riza Nogales ng 17 points habang 10 at anim na puntos ang kinana nina Kayce Balingit at Kizzie Madriaga ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with