^

PM Sports

Petecio, Villegas dumikit sa Olympic berths

Chris Co - Pang-masa
Petecio, Villegas dumikit sa Olympic berths
Nesthy Petecio

MANILA, Philippines — Lumapit sina Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio at Aira Villegas sa inaasam na puwesto sa Paris Olympics.

Parehong kumana sina Petecio at Villegas ng impresibong panalo sa magkahiwalay na laban sa 2024 1st World Qualification Tournament kahapon sa Busto Arsizio, Italy.

Hataw pa rin si Petecio nang patalsikin nito sa kontensiyon si Maud van der Toorn ng Netherlands sa quarterfinals ng women’s 57kg quarterfinals.

Agresibo sa buong panahon ng laban ang Pinay boxer kaya’t nakuha nito ang boto ng limang hurado at makasiguro ng tiket sa semifinals.

Isang panalo na lamang ang kailangan ni Petecio para makapasok sa Paris Olympics.

Kailangan ni Petecio na matalo sa semis si Esra Yildiz ng Turkey sa labang nakatakda ngayong araw.

Tanging ang dalawang finalists lamang sa wo­men’s 57kg ang mabibiyayaan ng tiket sa Paris Games.

Sa kabilang banda, umiskor din si Villegas ng unanimous decision win kontra kay Sofie Rosshaug ng Denmark para makapasok naman sa quarterfinals ng women’s 50kg division.

Isang panalo na lang din ang kailangan ni Villegas para makamit ang inaasam na puwesto sa Paris Olympics.

Makakatipan nito sa quarterfinals si Zlatislava Chukanova ng Bulgaria.

Sa dibisyon ni Villegas, apat na boksingero ang kukunin kaya’t kailangan lamang nitong umabante sa semis upang makahirit ng silya sa Paris Games.

Hindi naman pinalad sina Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam at Rogen Ladon sa kani-kanyang laban.

Natalo si Paalam kay Kiaran MacDonald ng Great Britain sa men’s 57kg round of 16.

Hindi na tinapos pa ni Paalam ang laban matapos magtamo ng shoulder injury sa second round.

Talo rin si Ladon kontra kay Kiaran Macdonald ng Great Britain.

May tsansa pa sina Paalam at Ladon at ang iba pang miyembro ng natio­nal boxing team na makapasok sa Paris Games sa 2nd World Qualification Tournament na gaganapin sa Mayo.

vuukle comment

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with