^

PM Sports

Fixed games

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Dito sa Tate, ‘rigged game.’ Sa Pinas, game-fixing.

Matagal nang isyu ang game-fixing lalo na sa basketball, pero wala pang napapatunayan.

Dito sa Tate, mainit ang usapan na rigged ang ilang laro sa NFL na nasa division playoffs na pero talagang mahirap patunayan ito.

Minamanipula ang resulta ng laro kung may involve na pera – tayaan, pustahan.

Puwede rin namang may kapakinabangan ang isang indibidwal, ang isang koponan o ibang koponan sa pagkapanalo o pagkatalo ng isang team na involve sa laro.

Para masabing ‘inayos’ ang laro ay talaga namang kaduda-duda ang tawagan o non-calls.

Mapapatunayan lamang na dinaya ang laro, kung may aaamin na malabong mangyari dahil hindi lang ikasisira ito ng salarin, hindi lang ng buong team na involve, kundi ng buong liga.

Mahirap talaga solusyunan ang problema sa game-fixing pero tuloy ang ligaya.

***

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nagagawang tutukan ang isang buong mahigit tatlong oras na football game pero bilib ako sa pagkapanatiko ng mga tao dito sa Tate.

‘Yung manonood ka ng live game sa below 0 celsius degrees, grabe.

‘Yung puno ang stadium ng makapal na snow sa umaga ng game day pero huhukayin nila ang nyebe sa buong stadium para sa laro ng hapon. Nagsimula na ‘yung laro, may nagpapala pa ng snow sa mga upuan para sa mga manonood.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with