^

PM Sports

Dehadista jackpot sa 3YO Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maagang nagsaya ang mga dehadista noong Miyerkules ng gabi dahil nanalo ang kabayong Extra Addition sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pinakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas.

Nilarga sa unang karera, kumaripas sa largahan ang Extra Addition pero kinapitan agad siya ng Golden Arya kaya nagpaubaya muna ang winning horse sa unahan.

Bentahe ng kalahating kabayo ang Golden Arya sa Extra Addition sa kalagitnaan ng karera habang nasa tersero at pang apat ang Carmela’s Love at Sunshine Jeune.

Pagsapit ng far turn ay kumukuha na ng bandera ang Extra Addition at sa huling kurbada ay abante na ito ng isang kabayo sa Carmela’s Love habang nauupos na sa tersero ang Golden Arya.

Sa rektahan ay umu­ngos na ang Extra Addition at tumuloy na sa meta, pero dahil malakas ang dating ng Carmela’s Love ay nanalo lang ito ng isang kabayo.

Nirendahan ni former PSA-- Jockey of the Year awardee, Jonathan Basco Hernandez, nirehistro ng Extra Addition ang ti­yempong 1:14.8 minuto sa 1,200 meter race.

Hinamig ng winning horse owner na si Melaine Habla ang P22,000 added prize sa pagkakapanalo ng Extra Addition.

Terserong dumating sa meta ang Golden Karaywa habang pang-apat ang Jeng’s Love sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Kinubra ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,500 habang P1,000 at P500 ang second at third, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with