Masaya at malungkot
Ang nakalipas na taon ay masaya at malungkot para sa akin.
Masaya dahil sa wakas ay magkasama na kami ni ‘My Love’ dito sa Texas, pero malungkot dahil naiwan ko ang aking pamilya at malalapit na kaibigan.
Masaya dahil namumulat ako sa paboritong sport dito sa U.S.A., ang rugby football pero malungkot kasi nami-miss ko ang mga mahahalaga at malalaking pangyayari sa Philippine Sports.
Masaya dahil mayroon akong bagong pamilya at bagong kaibigan dito sa Texas pero malungkot dahil hindi na-miss ko ang mahahalagang araw at okasyon ng aking pamilya at kaibigan.
Masaya na matutupad ko na ang pangarap kong makapanood ng live game ng NBA pero nami-miss ko ang PBA at mga volleyball games na matagal kong nasubaybayan bilang sportswriter at sports editor.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil wala ako sa Pinas nang magdiwang ang buong bansa sa panalo ng Gilas Pilipinas sa Asian Games at sa Southeast Asian Games at nang magpiyesta ang mga Pinoy sa FIBA World Cup.
Excited ako sa mga bagong karanasang ibibigay sa akin ng 2024 dito sa Tate pero hindi maiiwasang makaramdam ako ng kalungkutan sa tuwing maaalala ko ang Pilipinas.
Pero ok lang, pasasaan ba’t makakauuwi din ako ng Pinas.
- Latest