^

PM Sports

PBA, NBA AT NFL sa araw ng Pasko

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Siguradong enjoy ang mga sports fans d’yan sa Pinas at dito sa Tate ngayong Pasko.

Tatlong NFL games, limang NBA games at dalawang exciting na laro sa PBA.

Tulad ng lagi kong sinasabi, football (‘yung American football, iba sa soccer na mas kilala ng mga Pinoy) ang No. 1 sport dito sa U.S. at dahil d’yan, walang pahinga ang NFL na nasa dulo na ng regular season at limang laro ang isasalang sa araw mismo ng Pasko.

Pero actually, ang regular game-days ng NFL ay Lunes, Huwebes at Linggo.

Pahinga ang NBA ng Dec. 24 at sa araw ng Pasko, 12 NBA stars sa pangunguna nina LeBron James ng LA Lakers, Gianis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, Stephen Curry Golden State at Kevin Durant ng Phoenix Suns ang sasalang.

At well, siyempre, dalawang exciting na Christmas games ang regalo ng PBA sa kanilang mga fans.

First time ng manunulat na ito na mag-Pasko dito sa Tate. Ibang klaseng selebrasyon ang mararanasan ko dito pero sigurado ako, mabubusog ako sa handa, regalo at ‘di mawawala ang football sa TV.

Masarap sana mag-Pasko habang nanonood ng live game pero para sa mga nakaka-afford lang ang ganyang eksena sa mahal ng ticket.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with