^

PM Sports

Antetokounmpo lumalaban

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Parang kailan lang nagbukas ang NBA, ngayon nasa In-Season Tournament quarterfinals na pala.

Kaya naman binabantayan na ang labanan para sa Most Valuable Player award.

Kasalukuyang nangunguna sa karera si Nikola Jokic ng Denver Nuggets kasunod si Joel Imbiid ng Philadelphia 76ers. at tabla sina Luca Doncic ng Dallas Mavericks at Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma City Thunder, ayon sa weekly ranking.

Pero ang malaking sorpresa ay si 2-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks na tumalon sa No. 5 mula sa No. 9 spot.

Ang season stats ni Jokic sa ranking na lumabas noong Dec. 1 ay 29 points per game (ppg), 13.2 rebounds per game (rpg) at 9.2 assists per game (apg) para ma-maintain niya ang kanyang No. 1 ranking mula noong nakaraang linggo.

Sa kanya ang 15 sa 37 assists ng Denver sa 134-124 panalo ng Nuggets noong Miyerkules kontra sa Houston.

Naitala rin ni Jokic ang kanyang pang-pitong triple-double nga­yong season sa ikatlong su­nod na panalo para sa kan­yang pang 112 career triple-doubles.

Tatlong sunod na naka-30 point-plus si Giannis na nagpaganda ng kanyang mga numero sa 29.8 ppg, 10.8 rpg at 4.7 apg.

Mula No. 3 ay umangat si Imbiid sa No. 2 sa kanyang 32 rpg, 11.3 rpg at 6.6 apg matapos magtala ng kanyang unang season tri­ple-double sa 134-124 pa­nalo kontra sa LA La­kers noong Lunes.

Galing naman sa No. 2 si Doncic (31.1 ppg, 8.0 rpg, 7.9 apg) na tinapatan ni Gilgeous-Alexander (30.6 ppg, 5.9 rpg, 6.1 apg) na galing sa No. 4.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with