^

PM Sports

Sampal sa PBA?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Naiintindihan ni Phoenix Super LPG governor Raymond Zorrilla na karapatan ni Encho Serrano na pumili ng liga na gusto niyang laruan.

Kaya naman ani Zorrilla, sa pagtalon ni Serrano sa MPBL: “Okay lang.”

Baka nga naman hindi niya matanggihan ang mga bossing na kumuha sa kanya sa bago niyang koponan.

Pero ibang usapan kung pagkatapos eh, babalik siya sa PBA at gusto lang pa lang pumirma sa ibang PBA team.

“Hindi papakinabangan ng ibang team iyan,” ani Zorrilla sa pagdiin naman sa karapatang ipaglaban ang signing rights nila sa dating La Salle player.

Matapos ang magandang unang arangkada ni Serrano sa Phoenix, pinili niyang hindi tanggapin ang offer na contract extension ng Fuel Masters at minabuting mag-slide sa MPBL.

Ang masakit para sa Phoenix, dalawang key players na ang nawala sa kanila na walang kapalit.

Naunang nawala patungong Japan B.League si Matthew Wright.

Mayroon pa kayang mga PBA players na susunod sa bakas ni Serrano sa pagtalon sa MPBL?

Para sa marami, sampal sa PBA na ipinagpalit sa MPBL.

Pero kahit ano pa ito, dapat pag-isipan ng PBA ang relasyon sa kanilang mga players ngayong isang katerba ang options na lalaruan ng mga premyadong manlalaro.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with