Nuggets rumesbak sa Pacers
INDIANAPOLIS — Humataw si two-time NBA MVP Nikola Jokic ng 24 points sa loob ng 21 minuto para tulungan ang Denver Nuggets sa 122-119 pagresbak sa Indiana Pacers.
Bumangon ang Nuggets, may 8-3 record, mula sa 18-point deficit sa second half para ipalasap sa Pacers ang ikaanim na kabiguan sa 11 laro.
Nagdagdag si guard Jamal Murray ng 18 points para sa Denver habang kumolekta rin si Aaron Gordon ng 18 points bukod sa career high na 17 rebounds.
Ang jumper ni Haliburton sa huling 55.2 segundo ang nagtabla sa Indiana sa 117-117 kasunod ang 20-footer ni Jokic para selyuhan ang panalo ng Denver.
Sa Atlanta, kumamada si Lauri Markkanen ng season-high na 32 points sa 125-119 pagdaig ng Utah Jazz (10-3) sa Hawks (7-4).
Sa Boston, tumipa si Jayson Tatum ng 31 points sa 128-112 panalo ng Celtics (8-3) sa Detroit Pistons (3-9).
- Latest