^

PM Sports

Chery Tiggo binomba ng Army

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na napasuko ng Philippine Army ang Chery Tiggo matapos pasabugin ang 25-20, 25-23, 25-22 demolisyon para dumikit sa semis berth ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umariba ng husto sa attack line ang Lady Troo­pers sa tulong ni playmaker Ivy Perez na gumawa ng 18 excellent sets kasama pa ang anim na puntos.

“Tulung-tulong lang kami dahil gusto ng lahat na manalo, gusto ng lahat na mag-perform kaya nakita talaga yun sa loob ng court,” ani Perez.

Nakalikom si national mainstay Jovelyn Gonzaga ng 15 puntos galing sa 12 attacks at tatlong blocks kasama pa ang 18 digs at pitong receptions para manduhan ang Lady Troopers sa pagkopo ng ikatlong panalo sa limang pagsalang.

Umiskor din si wing spiker Audrey Paran ng walong puntos para sa  balanseng atake ng Lady Troopers.

Nahulog ang Crossovers sa 1-4 baraha.

Nanguna para sa Chery Tiggo sina opposite spiker Mylene Paat at outside hitter Shaya Adorador na may tig-11 puntos na nagawa.

Nagdagdag pa si middle blocker Czarina Carandang ng walong puntos.

Subalit hindi pa rin ito sapat para makuha ng Crossovers ang panalo.

Halos pantay lamang ang laban kung saan may 39 attacks ang Lady Troopers laban sa 34 ng Crossovers.

Parehong may pitong blocks at anim na aces ang Army at Chery Tiggo.

Ngunit naging malaking pagkakaiba ang 23 errors na nagawa ng Crossovers na halos katumbas na ng isang buong set.

vuukle comment

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with