^

PM Sports

Viva Mapua!

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mula sa pagiging Final Four outsider sa huling tatlong NCAA seasons, nanggulantang ang Mapua Cardinals at nagbabantang bulabugin ang inaasa­hang Letran-San Beda title rematch.

Good job, coach Randy Alcantara. Ganoon din ang puwedeng sabihin sa mga Cardinals sa pangu­nguna nina Carl Lacap at Warren Bonifacio.

Tinapos nila ang kanilang elimination round campaign tangan ang solidong 7-2 win-loss card.

Kasalukuyan silang nasa No. 3 pero maaaring uma­ngat sa No. 2 kung tatalunin ng Letran ang San Beda sa krusyal na laro ngayong hapon sa Filoil Flying V Arena.

Malaki ang ganansya ng No. 2 dahil automatic Final Four entry plus twice-to-beat advantage ang bonus na kasama nito.

Ang No. 3 naman ay malalaglag sa “play-in” kasama ang fourth seed, fifth seed at No. 6. Paglalabanan ng apat na koponan ang huling dalawang semifinal spots.

Kaya’t siguradong matamang magmamatyag ang mga Cardinals at kasabay ang sambit ng pana­langin na matulungan sila ng Letran Knights.

Sa Final Four era ng NCAA na nagsimula noong 1997, No. 3 spot ang pinakamagandang natapos na nakamit ng Mapua sa elimination round.

Kaya’t kung matutulungan ng Letran, maka­kagawa ng breakthrough si coach Randy at ang kanyang gritty bunch.

Miyembro si Alcantara ng umukit ng school record na back-to-back NCAA championships sa ilalim ni coach Joel Banal noong 1991 at 1992.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with