^

PM Sports

Suns inagaw ang 2-1 lead sa Pelicans

Pang-masa
Suns inagaw ang 2-1 lead sa Pelicans
Humugot ng foul si Suns’ guard Chris Paul kay Jose Alvarado ng Pelicans sa Game 3.

NEW ORLEANS — Iniskor ni Chris Paul ang 19 sa kanyang 28 points sa fourth quarter para igiya ang Phoenix Suns sa 114-111 pag-eskapo sa Pelicans sa Game Three ng kanilang Western Con­ference first-round series.

May 14 assists rin si Paul habang humakot si center Deandre Ayton ng 28 markers at 17 rebounds para sa 2-1 lead ng Phoenix sa New Orleans.

Hindi naglaro si De­vin Booker para sa Suns dahil sa kanyang natamong strained right hamstring sa kanilang 114-125 home loss sa Pelicans sa Game Two.

Bumida si Brandon Ingram para sa New Orleans sa kanyang 34 points.

Sa Atlanta, ipinasok ni Trae Young ang isang floater sa huling 4.4 segundo para sa 111-110 pagtakas ng Hawks sa Miami Heat at ilapit sa 1-2 ang kanilang serye.

Matapos ang mintis na jumper ni Jimmy Butler para sa Miami sa huling 12.6 segundo ay nakuha ng Atlanta ang rebound at ibinigay ang bola kay Young na hindi na tumawag ng timeout.

Nagtala si Tyler Herro ng 24 points para sa Heat kasunod ang tig-20 markers nina Butler at Max Strus.

Sa Chicago, nagsalpak si Grayson Allen ng limang triples para sa kanyang 22 points at iginiya ang nagdedepensang Milwaukee Bucks sa 111-81 pagsuwag sa Bulls.

Inagaw ng Milwaukee ang 2-1 lead sa ka­nilang Eastern Con­fe­rence first-round playoff series ng Chicago na wala si injured Khris Mid­dleton.

Umiskor sina Giannis Antetokounmpo at Bobby Portis ng tig-18 points para sa Bucks.

vuukle comment

PHOENIX SUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with