^

PM Sports

Blackwater saga

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagbunyi na parang nanalo ng championship ang Blackwater Bossing nang makalusot sa Magnolia noong nakaraang gabi at naiwasan ang markang bokya sa PBA Season 46.

Kung hindi nakaiwas, maitatala ang kanilang pangalan bilang unang koponan sa PBA history na talunan sa loob ng isang buong season.

Gayunpaman, sa kanila pa rin ang dubious record na pinakabalugbog na single season performance – one win against 21 losses. Nakakabit din sa prangkisa ang record na longest losing streak – 29 games.

Lagpas isang taon at apat na buwan ang kaawa-awang Blackwater slump.

Gustong ikunsidera ni coach Ariel Vanguardia at ng kanyang mga players na bagong simula ang kanilang panalo sa pagtatapos ng kampanya nila sa Season 46.

Ang tanong eh, kung iyan din ba ang pananaw o direksyon na tinitingnan ni team owner Dioceldo Sy.

O magpapatuloy ang kanilang diskarte na walang katapusang shuffle ng players o team revamp.

May bago silang promising players sa katauhan nina Rey Suerte at Barkley Ebona.

Pero muli ang tanong – panghahawakan na ba sila ng team sa mahabang panahon o tatalon din sa ibang koponan?

vuukle comment

BLACKWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with