^

PM Sports

Best Scorer award nadale ni Paat

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Uuwi si Mylene Paat bitbit ang dalawang ma­ningning na premyo mula sa matamis na kampanya nito sa Thailand Volleyball League sa Bangkok, Thailand.

Tinulungan nito ang Nakhon Ratchasima na masungkit ang third-place finish upang magbulsa ng tansong medalya.

Ngunit hindi lang ang bronze medal ang iuuwi ni Paat.

Itinanghal din itong Best Scorer sa liga matapos magtala ng average na 20 puntos kada laro.

Si Paat ang kauna-unang professional volleyball player sa Pilipinas na nagkamit ng special award bilang import sa international competition.

Kaya naman hindi maitago ni Paat ang kanyang saya at lubos na pasasalamat sa magandang biyayang natanggap nito.

“Napakabuti mo Panginoon,” ani Paat sa kanyang post sa Instagram.

Kaliwa’t kanan ang mainit na mensaheng natanggap nito kabilang na ang mga kasama nito sa national team at iba pang volleyball players sa bansa.

May kani-kanyang men­sahe rin sina Marck Espejo, Carmela Tunay, Majoy Baron, Maddie Madayag, Jen Reyes at maging si PBA star Gabe Norwood.

Kasama ni Paat sa listahan ng mga awardees sa Thailand sina MVP at Best Outside hitter Sa­sipaporn Janthawisut ng Diamond Food, Chitaporn Kamlangmak ng Nakhon Ratchasima, Kaew­kalaya Kamulthala ng Diamond Food (Best Middle Blocker) at Kannika Thipachot ng Supreme Chonburi (Best Outside Hitter).

vuukle comment

MYLENE PAAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with