Ancajas target ang KO win kay Martinez
MANILA, Philippines — Walang ibinigay na prediksiyon si reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas sa oras na makaharap nito ngayong araw si undefeated Fernando Martinez ng Argentina sa The Cosmopolitan sa Las Vegas, Nevada.
Ngunit kung mabibigyan ito ng tsansa, sasamantalahin ni Ancajas na makuha ang knockout win.
“If I have the opportunity to get the knockout, I’m going to go for it. If I see an opening or a weakness, I’m ready to take advantage of it,” ani Ancajas.
Kasado na ang game plan ni Ancajas para kay Martinez.
Tutok si Ancajas kay Martinez bago isipin ang mga susunod na hakbang nito kabilang na ang target na unification bout laban kay World Boxing Organization super flyweight champion Kazuto Ioka ng Japan.
“Focus ko muna ngayon ang laban ko kay Martinez. Then after that, saka ko na iisipin yung next fight. Target ko talaga yung unification fight kahit saan ganapin willing ako matuloy lang,” ani Ancajas.
Desidido rin ang Argentinian na gawin ang lahat para maagaw ang world title ng Pinoy champion.
Pasok na pasok sa timbang si Ancajas na may 114.5 pounds.
Parehong timbang din ang naitala ni Martinez.
- Latest