Ayuda sa mga karerahan
MANILA, Philippines — Bilang selebrasyon sa Araw ng mga Manggagawa, nagbigay ng ayuda ang Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) at mga horseowners para sa mga sota at helpers sa tatlong karerahan kahapon.
Sa pamumuno ni chairman Reli de Leon, ang nasabing nagkaroon ng ‘community pantry’ bilang pagpapahalaga sa mga trabahador sa karerahan.
“Simultaneous community pantry today in all three race tracks. Our humble way of sharing something to our grooms in time for the celebration of Labor day,”ani de Leon.
Umabot sa halos 600 stable grooms at helpers kasama ang kani-kanilang pamilya ang nabiyayaan ng community pantry.
Malaki ang epekto sa mga sota at ibang nagtatrabaho sa karerahan ang muling pagkahinto ng karera.
Samantala, wala pang abiso ang Inter-Agency Task Force, (IATF) kung kailan papayagan ang pagbabalik ng karera matapos ma-extend hanggang May 14 ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) plus bubble.
- Latest