Clarkson sumama sa #StopAsianHate
MANILA, Philippines — Sumama na si Utah Jazz star Jordan Clarkson sa #StopAsianHate campaign na kumakalat sa social media.
Nagsimula ang #StopAsianHate campaign matapos matuklasan sa Amerika na umabot na sa mahigit 3,800 ang hate cases sa mga Asyano sa panahon ng pandemya.
Sa isang pag-aaral, may 68 porsiyento ang nakaranas ng verbal abuse habang 11.1 porsiyento naman ang nagkaroon ng physical harassment experience.
Posibleng iniuugnay sa mga Asyano ang coronavirus disease (COVID-19) na nagmula sa China.
Kaya naman binuhay ng mga Asian-Americans ang #StopAsianHate upang matigil na ang karahasan sa mga Asyanong nasa U.S.
At isa si Clarkson sa nakiisa sa kampanya matapos itong magpost sa kanyang Twitter account ng parehong hashtag na “#StopAsianHate” kahapon.
- Latest