^

PM Sports

Phoenix nag-donate ng kanilang bonus sa mga naapektuhan ng Ulysses

John Bryan Ulanday - Pang-masa

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines —Ido-donate ng Fuel Masters ang malaking bahagi ng kanilang semi-finals bonus ng kanilang mga players para sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Ulysses tulad ng Marikina at Cagayan.

“Suwerte kami na nandito pa kami hanggang ngayon,” aniya papasok sa krusyal na Game 3 ng Final Four kontra sa TNT. “We cannot talk about service, we have to act on it. And that’s part of out act of dona-ting our game bonuses to the victims of the typhoon.”

Nauna nang nagambag-ambag ang manlalaro ng Ginebra, ayon kay coach Tim Cone, para sa relief goods na naipamahagi na sa pangunguna ng tubong Marikina na si Raymond Aguilar.

Sa pamamagitan naman ng PLDT-Smart at Meralco Foundation ay mayroon ding relief operations ang TNT at Meralco, ayon sa pagkakasunod.

Bukod pa ito sa sariling programa ni Troy Rosario sa kanyang mga kababayan sa Cagayan.

*VIC MANUEL SUPPORT KAY CALVIN ABUEVA-- Kahit nasa labas na ng bubble ay ramdam pa rin ni Calvin Abueva ng Phoenix ang suporta ng kanyang kumpare na si Vic Manuel ng Alaska na umaasa sa kanilang tuluy-tuloy na pag-angat sa finals.

“Sabi niya niya sa akin, ipanalo n’yo ‘yung semis na ‘to. Kaya niyong umabot sa finals,” ani Abueva kay Manuel matapos malaglag ang Ace sa quarterfinals kontra TNT.

Bago umalis si Manuel sa bubble noong nakaraang linggo ay nagpalitan pa sila ng jersey ni Abueva na dati niyang teammate sa Alaska.

 

vuukle comment

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with