Alab, tatlo pa hiniling sa ABL na suspindihin ang mga laro
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Alab Pilipinas at tatlo pang koponan ang ASEAN Basketball League na suspindihin muna ang 2019-2020 Season para matiyak ang kaligtasan ng lahat laban sa COVID-19 pandemic.
Sa joint statement na inilabas ng Alab, Hong Kong Eastern, Macau Black Bears at Formosa Dreamers, delikadong ipagpatuloy ang liga ngayon lalo na sa home-and-away format nito bilang regional league sa Asya.
“Alab Pilipinas wishes to put the safety of our fans and teams first.”
“Since the ABL is a regional league and travel will be difficult and risky. Alab Pilipinas together with Hong Kong Eastern, Macau Black Bears and Formosa deem it appropriate to request the ABL to follow the NBA and other sporting leagues in suspending our season.”
Wala pang opisyal na pahayag ang ABL ukol sa joint statement ng apat na ball clubs.
Nauna nang nagpahayag ang NBA ng pansamantalang pagtigil ng operasyon nito sa loob ng isang buwan matapos magpositibo sa COVID-19 ang mga Utah Jazz players na sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell.
Maging ang PBA, UAAP, NCAA at MPBL ay suspendido muna ang laro hangga’t hindi pa maayos ang naturang krisis.
- Latest