Gold uli sa pentathlon

MANILA, Philippines — Nagkatotoo ang panaginip ni Michael Ver Anton Comaling matapos maparisan ng gintong medalya ang kanyang gold-colored hairstyle sa modern pentathlon men’s beach triathle event sa pagpapatuloy ng 30th SEA Games kahapon dito sa Subic Bay Boardwalk.
Tinapos ng 19-anyos na teen sensation ang shoot-swim-run Olympic sport event na ipinakilala sa SEA Games sa unang pagkakataon sa loob lamang ng 17 minuto at 8.87 segundo upang maisakatuparan ang akala niya’y panaginip lamang noong nakaraang linggo.
“Kasi two weeks ago nung dito pa kami nagte-training natulog po ako then nag-dream ako na mag-gold ako tapos buhok ko yellow,” aniya. “Blue po to dati. After training nagpakulay agad ako at nangyari naman.”
Mas mabilis ng lagpas 10 segundo si Comaling kina Phurit Yohuang (17:19.83) ng Thailand at Muhammad Taufik (17:37.36) ng Indonesia na nagkasya lamang sa segunda at tersera pwesto.
Bukod sa matamis na gintong medalya, malaking paghihiganti rin ito ng Ormoc City native matapos ang malamyang seventh-place finish sa first event na beach laser-run men’s individual kamakalawa. Sa naturang event ay nanalo ng silver medal ang kakam-ping si Samuel German.
Ito na ang ikalawang gintong medalya para sa Philippine modern pentathlon team matapos ang panalo nina German at Princess Arbilon sa beach laser-run mixed relay event kamakalawa.
Kumopo naman ng bronze medal si Arbilon sa women’s individual triathle nang tapusin ang course sa 21:29.36 matapos ang fourth-place fi-nish sa women’s indivi-dual beach laser-run event sa pentathlon competitions opener noong isang araw.
- Latest





















