Harden muntik mag-triple double sa panalo ng Rockets laban sa Bulls
CHICAGO — Kumolekta si star guard James Harden ng 42 points, 10 rebounds at 9 assists para pamunuan ang Houston Rockets sa 117-94 panalo sa Bulls.
Nagdagdag si Russell Westbrook ng 26 points para sa tagumpay ng Rockets (5-3).
“That’s the confidence I have,” pahayag ni Harden na nagtala ng 8-of-14 shooting sa three-point line. “That’s the confidence that I’ve built off of the work I put in. It’s more of a mindset.”
Pinamunuan naman ni Wendell Carter Jr. ang Bulls (3-6) mula sa kanyang 13 points at 16 rebounds.
May 4-for-32 clip ang Chicago mula sa 3-point range.
Sa Charlotte, humataw si Brandon Ingram ng 25 points para ihatid ang New Orleans Pelicans sa 115-110 panalo laban sa Hornets.
Tinapos ng Pelicans ang kanilang three-game losing slump.
Tumipa si JJ Redick ng 22 points kasama ang limang triples, habang may 12 markers at 11 assists si Jrue Holiday.
Sa Oklahoma City, umiskor si forward Danilo Gallinari ng 19 points, habang may 18 markers si guard Dennis Schroder para banderahan ang 114-108 panalo ng Thunder laban sa Golden State Warriors.
Humugot naman si D’Angelo Russell ng 17 sa kanyang 30 points sa third quarter para sa Warriors.
Sa Memphis, naglatag si guard Luka Doncic ng 24 points, 14 rebounds at 8 assists para igiya ang Dallas Mavericks sa 138-122 paggiba sa Grizzlies.
Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 20 points para sa Dallas.
Sa San Antonio, nagsalpak si Jaylen Brown ng 30 points para ihatid ang Boston Celtics sa 135-115 panalo laban sa Spurs.
Nagdagdag si Kemba Walker ng 26 points para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Boston (7-1).
Nagkaroon si Gordon Hayward ng injury.
- Latest