Creamline at PetroGazz unahan sa 1-0 lead sa Finals
MANILA, Philippines — Magtatagisan ang PetroGazz at Creamline para sa inaasam na korona ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference sa Game One ng Finals sa The Arena sa San Juan City.
Magtutuos ang defending champions at 2019 Reinforced Conference titlist ngayong alas-6 ng gabi matapos ang laro ng BanKo Perlas Spikers at Motolite sa alas-4 ng hapon sa Game One para sa third place.
Nagawang mawalis ng Cool Smashers ang two-round eliminations ng liga para itarak ang malinis na 16-0 baraha para agarang umabante sa semis kung saan nila winalis ang Motolite.
Sa muli nilang pagtatapat sa Finals ay inamin ni Creamline star Alyssa Valdez na kailangan nilang tapatan ang mataas na kumpiyansang bitbit ng PetroGazz matapos ang back-to-back Finals appearance nito.
“I think one of the strengths of Petro Gazz going from the Reinforced Conference to the All-Filipino is we can see their confidence. We can see ‘yung nag-uumapaw, lumalabas talaga, overflowing talaga ‘yung confidence,” sabi ni Valdez. “So I guess, going into the Finals also, we have to prepare well to get our confidence as a team back.”
Sa panig naman ng PetroGazz ay napanatili nila ang ikalawang puwesto sa leaderboard tangan ang 12-4 kartada hanggang walisin ang semis series nila ng BanKo Perlas Spikers papasok sa Finals.
Hindi nakatikim ng panalo ang Gazz Angels sa dalawang beses nilang pagtatapat ng Cool Smashers sa preliminaries.
“Iyong consistency namin talaga, especially ‘yung counter attack at pasa namin kasi knowing Creamline, very offensive team talaga, sila” ani PetroGazz coach Arnold Laniog.
- Latest