^

PM Sports

Beermen positibo sa tsansa sa quarters

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kaagad pinawi ni San Miguel coach Leo Austria ang pangamba ng marami na masama ang tamang si­napit ni import Dez Wells sa pagkakatapilok sa se­cond quarter ng kanilang laban kontra Meralco no­ong nakaraang gabi.

Paliwanag ni Austria na sinadya nilang hindi na ibalik si Wells sa second half upang hindi na lumala pa ang “minor sprain” na sinapit at maging handa sa crucial stretch ng kanilang kampanya sa PBA Governor’s Cup eliminations.

Nakabalik naman si Wells sa second quarter matapos ang maikling pamamahinga pagkatapos ng kanyang tapilok.

Umiskor pa nga siya ng five points.

Ani Austria, kung malalim ang extent ng injury ni Wells ay hindi na niya magagawa ang bagay na iyon.

At kahit na masamang 99-125 ang talong inabot ng mga Beermen, nananatiling positibo si Austria la­lo na at mahaba ang kanilang preparasyon para sa homestretch ng elims kung saan haharapin nila ang Blackwater, Rain or Shine at TNT KaTropa.

Kailangan nilang maka-recover sa two-game slump upang mag-contend sa Top Four na siyang ta­tangan ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Dahil sa back-to-back losses sa NorthPort at Me­ralco, dumausdos sa fifth place ang SMB (5-3) sa likuran ng TNT KaTropa (7-1), NLEX (6-1), Meralco (5-2) at Barangay Ginebra (4-2).

At tunay na mukhang maraming bagay na da­pat ayusin ang SMB kung patuloy na hahabol sa ka­ni­lang mithiing Grand Slam.

*****

Ang mangangailangan ng medyo matagal na pahinga ay si Jayson Castro kaya’t lumabo ang tsansang makita ang kanyang balik-Gilas sa paparating na SEA Games.

Kung wala si Castro, ang maiiwang magtitimon sa Gilas backcourt ay sina LA Tenorio, Stanley Pringle at Chris Ross.

vuukle comment

LEO AUSTRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with