^

PM Sports

Dalamhati ng Pinoy NBA Fans

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Siguradong maraming basketball fans ang nanlulupaypay ngayon dahil hindi available sa free TV at cable TV sa kasalukuyan ang NBA games.

Nagsimula noong nakaraang araw ang 2019-20 NBA season pero hindi na-air sa lumang local networks ang mga laban kasama na ang highlight game sa pagitan ng LA Lakers at LA Clippers.

Pinangunahan ni Kawhi Leonard ang pagkuha ng Clippers ng panalo kontra kina LeBron James, Anthony Davis at Lakers sa tinaguriang “Battle of LA.”

Pero malungkot ang maraming Pinoy NBA fans dahil hindi sila nagkatsansa na mapanood ang laro. Gayundin ang mga susunod pang laro.

Walang bagong kasunduan na nangyari ukol sa TV rights kaya’t hindi ito napapanood sa local TV outfit.

Para patuloy na ma-cater ang Pinoy NBA fans, ihahatid ng NBA ang piling mga laro sa Facebook Watch at Twitter.

Ang problema, maraming Pinoy ang walang access sa internet. Ang iba ay nakaka-Facebook pero sa limitadong minuto lamang. Kaya’t talagang maraming malungkot na Pinoy cage fans.

Para sa may kakayanan o may ekstrang mabubunot sa kanilang bulsa, puwede silang mag-avail ng NBA League Pass. “Fans in the Philippines can subscribe to NBA League Pass by visiting watch.nba.com and downloading the official NBA App on the App Store and Google Play,” ayon sa anunsyo ng NBA.

Sa Facebook, nakatakdang ihatid ng NBA ang mga laban ng Milwaukee-Houston ngayong araw na ito, Utah-LA Lakers bukas, New Orleans-Houston sa Linggo, Portland-Dallas sa Lunes at Oklahoma City-Houston sa Martes.

Kung walang kakayanang magbabad on-line, walang option kung hindi tumutok na lang muna sa mga local cage leagues – PBA, UAAP, NCAA at MPBL.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with