^

PM Sports

Cool Smashers inangkin ang unang silya sa semis

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Cool Smashers inangkin ang unang silya sa semis
Hinatawan ni Gretchel Soltones ng Pilipinas ang depensa ng isang Thai player sa ASEAN Grand Prix.
PM photo ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Nakopo ng defending champions na Creamline ang unang upuan sa semifinal round ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Confe­rence matapos dominahin ang Choco Mucho, 25-15, 25-15, 25-16, kahapon sa San Agustin Gym sa Iloilo City.

Malinis sa 12-0 record ang hawak ngayong ng Cool Sma­shers, habang nahinto ang winning streak ng Flying Titans na tangan ang 6-7 kartada.

Muling kinapitan ng Creamline si Jema Galanza na humataw ng 16 points mula sa 12 attacks, 2 kill blocks at 2 aces bukod pa ang walong digs.

Nag-ambag din si Michele Gumabao ng 12 mar­­kers at anim na digs para sa ika-12 tagumpay ng tropa sa 12 larong sinalangan.

Sa unang laro, mas napatatag pa ng PetroGazz Angels ang kanilang kapit sa solo second spot ma­tapos takasan ang PacificTown-Army Lady Tro­opers, 25-14, 20-25, 14-25, 25-13, 15-7.

Nanakaw ng 2019 Reinforced Conference tit­list ang ikawalong sunod nilang tagumpay sa tor­neo para itarak ang 9-2 baraha at padulasin ang Lady Troopers sa 6-6 karta.

Wala man ang beteranong spiker na sina Pa­neng Mercado dahil sa personal na dahilan at Kla­risa Abriam, limang manlalaro ng Gazz Angels ang tumapos sa double-digits para sa panalo.

Sa ASEAN Grand Prix sa Sta. Rosa, Laguna, yumukod ang Pilipinas laban sa bisitang Thailand via straight sets, 12-25, 16-25, 10-25.

Naglaro ang national team na wala sina Alyssa Valdez, Jia Morado, Jovelyn Gonzaga at Maddie Madayag.

 

vuukle comment

COOL SMASHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with