^

PM Sports

Munich maraming sinilat Sa winner-take-all

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagunaw agad ang winner-take-all tickets ng mga kareristang suminggel sa Munich matapos manalo ng dehadong  Tempus Fugit sa PHILRACOM - RHBS Class 4 kahapon sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City Batangas.

Outstanding favorite ang Munich na bumenta ng P236,613 laban sa P20,256 na sales ng Tempus Fugit sa event na pinasibat sa Race 1.

Dalawang kabayo ang agwat ng Munich sa Tempus Fugit na nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce sa huling kurbada.

Subalit napansin ni Guce na humugot ng latigo ang hinete ng Munich na si RF Torres sa rektahan kaya naman nagkaroon ng pag-asa ang class A rider at pinagtyagaan nitong paluin at kayugin ang winning horse.

Nakita ko humugot ng latigo si Torres kaya lalo akong ginanahan na hatawin at kayugin si Tempus Fugit, sabi ko baka paubos na si Munich, saad ni Guce.

Natanggap ng may-ari ng Tempus Fugit ang karagdagang P10,000 mula sa Philippine Racing Commission.

Segundo ang Munich, terserong dumating ng meta ang Goldbar habang pang-apat at pang-lima ang Tequila Princess at Sir Rik ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nakabawi ng bahagya ang mga liyamadista sa pangalawang karera sa pagkakapanalo ng Hello Junior na sinakyan ni class A jockey Ryan ‘Onyok’ Garcia.

Nagmasid muna sa pangatlong puwesto ang Hello Junior sa bandang backstretch habang nasa unahan ang Atinkupung Sinsing.

Sinabayan ng Hello Junior ang paglapit ng Picacho sa bumabanderang Atinkupung Sin­sing papasok ng far turn at saka kinuha ang unahan ng winning horse at tumuloy na ito sa finish line.

Nirehistro ng Hello Junior ang 1:28.4 minuto sa 1,400 meter race para hamigin ng winning horse owner ang added prize na P10,000.

Pangalawa ang Atin­kupung Sinsing habang third ang Rosario Princess.

vuukle comment

MUNICH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with