^

PM Sports

San Juan kumpiyansa sa back-to-back sa MPBL

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang Datu Cup champion San Juan Knights-Go for Gold para sa third sea­son ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup na magbubukas sa Hunyo 12 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Makaraang masungkit ang unang titulo sa home-and-away league ay mas lalo pang lu­ma­­kas ang tiwala ng mga Knights na makuha ang ikalawang sunod na korona na ayon kay dating Se­nador Jinggoy Estrada ay ang Ginebra team sa MPBL.

“I think we’re the Gi­nebra of the MPBL,” sabi ni Estrada sa pag­lalarawan sa kanilang pa­nalo kontra sa Davao Occidental Tigers sa best-of-five title series, 3-2, ng nakaraang MP­BL Datu Cup.

Ayon kay team ma­na­ger Chris Conwi, ma­na­­natili ang core group ng koponan at idinagdag sina Andoy Estrella mu­la sa Quezon City Capitals at Renz Subido ng UST Growling Tigers.

“Yes, he (Estrella) will play for us along with Renzo Subido of UST,” ani Conwi.

Si Estrella ay nagtala ng mga averages ng 13.4 points, 4.4 rebounds at 4.4 assists pa­ra sa QC Capitals sa nakalipas na conference at si Su­bido ay makakapag­la­­ro la­mang sa mga hu­ling laro ng elimination round da­­hil tatapusin mu­na ni­­­ya ang kanyang commitment sa UST.

Mula sa 10 koponan sa Rajah Cup noong 2018 at 26 sa nakalipas na Datu Cup, umabot na ngayon sa 30 teams na hahatiin sa Northern Division at Southern Division ang maglalaro sa Lakandula Cup.

Kahit nagpapahinga ang Mandaluyong El Ti­gre, limang expansion teams ang pumasok sa katauhan ng Iloilo Uni­ted, Nueva Ecija, Bicol Volcanoes, Mindoro Ta­maraws at Sarangani.

vuukle comment

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with