^

PM Sports

Royal Chica iginiya ni RM Garcia sa dramatikong panalo

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit masikip at kum­pulan sa unahan ay pinilit ni class A rider RM Garcia na isaksak sa gitna ang Royal Chica upang makuha ang panalo sa PHILRACOM-RBHS race kahapon sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Walang takot na pinadaan ni Garcia sa gitna ang anak ng Lim Expensive Toy na Royal Chica upang magsubi ng karagdagang P10,000 premyo ang may-ari ng kabayo.

Sinunggaban ng If­yourhonorplease ang unahan, nakatutok naman ang liyamadong Blue Orchid at nasa bandang hulihan ang winning horse.

Papasok ng huling kurba ay nasa pang-walong puwesto ang Royal Chica, habang dikit-dikit na sa unahan ang pitong kabayo.

Sa rektahan ay ina­gaw ng Blue Orchid ang bandera sa kakamping Marahuyo pero biglang sumulpot ang Royal Chica at nanalo ng kalahating kabayo.

“Hindi ako puwedeng dumaan sa bandang labas kasi gagahulin kami, nakita niyo naman yung panalo konting-konti lang kaya kahit delikado ay sa gitna ko pinadaan si Royal Chica,” masayang kuwento ni Garcia.

Nagtala ng tiyempong 1:28. 2 minuto sa 1,400 meter race ang Royal Chica, segundo ang Blue Orchid, habang terserong dumating ang dehadong Crystal Creek sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Dahil sa pagkakatimbang ng Crystal Creek, nagbigay ng P1,148.20 dibidendo sa kada dalawang pisong taya sa trifecta.

Samantala, tulad ni Garcia, naging matapang din si class B jockey Christian Pilapil para ipanalo ang Summer Cruise sa Condition Race category 17 na pinasibat sa Race 2.

Pinadaan ni Pilapil ang Summer Cruise sa pagitan ng King Curry at Samantha’s Best upang maagaw ang bandera at tawirin ang meta ng may anim na kabayo ang distansya.

Nirehistro ng Summer Cruise, pag-aari ni Edward Pangilinan, ang oras na 1:13 minuto sa 1,200 meter race.

Segundo ang King Curry, tumersero ang Samantha’s Best, habang pang-apat ang Marino Ng Tanglaw.

vuukle comment

ROYAL CHICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with